Hanggang Langit lyrics
Saturday, April 24, 2010
HANGGANG LANGIT
Naging hangarin ko ang minsa’y marinig
Kahit sabihin pang bingi ang daigdig
Wala na nga bang dahilan kung bakit ba
Mayroong tinig, abot langit
Puti’t itim pala ang kulay ng mundo
Pikit mata pa rin ang lakad ng tao
Nagbabakasakaling marating niya’y paraiso
Koro:
Dinggin mo ang aking himig
At yakapin mo ng palad at bisig mahigpit
Singwagas nitong awit Ibabangon ka
Abutin man ng magdamag ang iyong luha
Maglaho man ang iyong pintig sa lumikha
Ihahatid hanggang langit ang pagsamba Sa’yo
Minsan nalaman ko, ako’y nag-iisa
Kadalasan pala tayo’y kanya kanya
At ang haligi ng tindig ko’y mahina
Tulad ng sa’yo, masdan mo
Sadyang busilak ang liwanag sa dilim
Bawat dapit hapon may bukas na angkin
Waring hamog at bahagharing may pangako at lihim
(ulitin ang koro)
Composer:
Dr. Joel Navarro
Original Version Singer:
Nonoy Zuñiga
P.S.
I-click dito para makita ang ginawang pagtatama ng mga liriko.
5 comments:
Hi! I've been searching for this song.
I was in high school when our glee club performed this song during our music class.
Can I ask who sang this song?
I would love to download the song and different versions solo to choir...
You may send the links or your response thru:
imkj2011-mail@yahoo.com.
Best regards and God bless!
- KJ
Hi! This is the admin of this blog.
I've asked our coordinator about your question, and he said that Nonoy Zuñiga has a version of this song.
Try typing "zuñiga hanggang langit lyrics" on google and you'll get different links.
Thank you for visiting our site! GOD bless! :)
Greetings, everyone. This is Dr. Joel Navarro, composer of this song that Nonoy Zuñiga sang in his first album. It was done a cappella with the Ateneo College Glee Club, which I was conducting back then, providing the choral back-up. The song's libretto was done by my dear childhood friend, Jerry Uy. Every composer/lyricist appreciates a proper attribution whenever their song gets posted in the internet. I would request from your webmaster that our names be written down in the lyrics above. A few corrections, if I may:
1. Maglaho man ang iyong PINTIG sa Lumikha
2. Ihahatid hanggang langit NG MUSIKA at ako.
3. MINSA'Y nalaman kong ako'y nag-iisa
4. Kadalasan pala tayo KANI-KANIYA
5. At ang haligi ng tindig ko'y MAHUNA (brittle)
6. WARI'Y hamog at bahagharing may pangako at lihim.
Thanks again for your interest, and may our God bless you all!
Dr. Joel Navarro
Professor of Music
Calvin College
Grand Rapids, Michigan
Good day Dr. Joel Navarro!
Wow! It's a privileged that you visit our site.
We're really sorry for not including you in this post.
(Sir, please let me write in tagalog language so I can express more of myself.)
Sir, pasensya na po talaga kung hindi po namin kayo naisali sa post na ito at ang iba pa, hindi ko po kasi talaga alam na kayo ang composer ng kantang ito at si Nonoy Zuñiga naman po ang kumanta. Sa totoo po ay nalaman ko lang nung may nagtanong (yung nasa itaas) pero ako po ay humihingi ng paumanhin dahil hindi ko pa rin po nailagay ang orihinal na bersyon at kayo bilang kompositor.
Salamat po sa komento at pagtatama ng mga liriko. Hayaan nyo po at ilalagay ko ang inyong mga pangalan. Nararapat naman po talagang kayo'y bigyan ng paggalang. :)
Isa po sa mga favourite songs namin ang inyong kanta! :)
Maraming salamat po muli!
Gumagalang,
Jemelyn P. Songalia
(admin of this blog)
Nga po pala Dr. Joel Navarro,
okay lang po ba na hindi ko na binago ang post na ito? naglagay na lang po ako ng link kasama ng post na ito ng mga ginawang pagtatama, ito po http://fiatserviamchoir.blogspot.com/2012/09/hanggang-langit-lyrics.html.
Kaya ko nga po pala hindi na binago dahil itong liriko na po kasi na ito ang ginagamit namin sa simbahan. Please let me know po kung hindi pwede.
Salamat po muli.
God bless po!
Gumagalang,
Jemelyn P. Songalia
(admin of this blog)
Post a Comment