Mensahe ni Hesus

Thursday, April 29, 2010

INIIBIG KITA... (Juan 15:9)

          Mahal kita (Juan 15:9).  Tinawag kita sa iyong pangalan.  Ikaw ay akin (Isaias 43:1).  Bago pa kita hinubog sa sinapupunan, kilala na kita; bago ka pa isinilang, ibinukod na kita... (Jeremiah 1:5).  Hindi ikaw ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa'yo... (Juan 15:16).  Manatili ka sa aking pag-ibig (Juan 15:9). Habang panahon kong ipadarama sa iyo ang tapat kong pagmamahal (Isaias 54:8). Hindi kita iiwan ni pababayaan man (Hebreo 13:5).
           Huwag kang matakot (Lukas 12:32)Ikaw ay hinirang ko, hindi itinakwil.  Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot.  Di ka dapat mangamba kaninuman.  Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas (Isaias 41:9-10).
           Ano ang ibig mong gawin ko sa'yo? (Marcos 10:51)Pagkat napakahalaga mo sa akin, at dahil mahal kita, bibigyan kita ng karangalan.  Huwag kang matatakot, ako'y kasama mo... (Isaias 43:4-5)Sa simula pa'y inibig na kita at patuloy kong ipinagmamalasakit... (Jeremias 31:3)Pababayaan ba kita?.. Nagtatalo ang loob ko at nananaig sa aking puso ang malasakit at awa (Oseas 11:8).
          Malilimot kaya ng ina ang sarili nyang anak?  Hindi kaya niya mahalin ang ang sanggol na kanyang iniluwal?  Kung mayroon mang inang lumilimot sa kanyang bunso, ako'y hindi lilimot sa iyo kahit sandali.  Hinding-hindi kita malilimutan.  Iniukit ko sa aking palad ang iyong pangalan (Isaias 49:15-26)Ako si yahweh na iyong Diyos, at hawak ko ang iyong kanang kamay.  Ako ang may sabing "huwag kang matakot at tutulungan kita." (Isaias 41:13)     
          Huwag kang matakot, ililigtas kita (Isaias 43:1)Maguguho ang mga bundok at ang mga burol, ngunit ang pag-ibig ko'y hindi maglalaho at mananatili ang kapayapaang aking pangako (Isaias 54:10)Tandaan mo: Ako'y laging kasama mo hanggang sa katapusan ng sanlibutan (Mateo 28:20).
         Huwag kang mabalisa, manalig ka sa akin (Juan 14:1)Huwag kang matakot at tutulungan kita.  Ako ang magliligtas sa iyo (Isaias 41:14).  Hindi ka maano, hindi ka maibubuwal ng mga mabibigat na pagsubok (Isaias 43:2)Hindi ka madadaig ng mga suliranin.. Kasama mo ako (Isaias 43:5).
         Huwag kang matakot sa kanila... (Mateo 10:26)Maging ang buhok mo'y bilang na lahat, kaya huwag kang matakot (Mateo 10:30-31).
         Halika, aking mahal.  Sumama ka sa akin (Awit ni Solomon 2:10)Dadalhin kita sa ilang at kakausapin ng buong giliw (Oseas 2:14)Magiging kabiyak kita mahpakailanman; mabubuklod tayo sa katarungan at katatagan, sa matibay na pag-ibig at pagsuyo.  Magiging kabiyak kita sa katapatan, at makikilala mo ako, si Yahweh (Oseas 2:19-20)Ako'y si ako nga (Exodo 3:14)Ako ang iyong Diyos (Oseas 13:4), si Yahweh, na nagmamahal sa'yo (Isaias 54:10).
         Ang tapat na Diyos (Deuteronomio 7:9).
Nagmamahal, 
Hesus 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave COMMENT here!

About This Blog

Fiat Serviam Choir is a group of people who serve God by singing praises to Him.
And this blog is made to share the daily happenings of us, the activites, and schedules. And also, this blog includes some lyrics I didn't find over the internet thinking it would help others.

Please feel free to explore this blog, and you can suggest some lyrics that I may include here.

And Hit like button. :)

GOD bless us all!

Back to TOP