Bituing Natatangi lyrics

Monday, December 20, 2010

BITUING NATATANGI

I
Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang bituin, liwanag nito’y kay ningning
Nagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sumilang

II
Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang talang nagningning
Higit sa liwanag ng mga bituin sa langit ay mapapansin

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pagsilang ni Kristo’y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ng manunubos

III
Doon sa bayan ng Bethlehem, isang sanggol ang dumating
Higit sa liwanag ng mga bituin minsan ay ‘di napapansin

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pag-asa ng tao'y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ni Kristo Hesus!

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pag-ibig ni Kristo’y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pag-ibig ni Kristo Hesus!

2 comments:

Unknown September 26, 2012 at 7:14 AM  

pede po bang mag tanong sainyo?? laht pano po ba makakuha ng pyesa ng bituing natatangi?

Admin September 26, 2012 at 5:58 PM  

Hello Richard Mabignay! Ahm, itatanong ko muna sa coordinator namin kung may piyesa sya ng kantang 'to, tas ikokomento ko na lamang dito.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave COMMENT here!

About This Blog

Fiat Serviam Choir is a group of people who serve God by singing praises to Him.
And this blog is made to share the daily happenings of us, the activites, and schedules. And also, this blog includes some lyrics I didn't find over the internet thinking it would help others.

Please feel free to explore this blog, and you can suggest some lyrics that I may include here.

And Hit like button. :)

GOD bless us all!

Back to TOP