Showing posts with label Lyrics. Show all posts
Showing posts with label Lyrics. Show all posts

Hanggang Langit lyrics

Sunday, September 2, 2012

HANGGANG LANGIT

Naging hangarin ko ang minsa’y marinig
Kahit sabihin pang bingi ang daigdig
Wala na nga bang dahilan kung bakit ba
Mayroong tinig, abot langit

Puti’t itim pala ang kulay ng mundo
Pikit mata pa rin ang lakad ng tao
Nagbabakasakaling marating niya’y paraiso

Koro:
Dinggin mo ang aking himig
At yakapin mo ng palad at bisig mahigpit
 Singwagas nitong awit  Ibabangon ka
Abutin man ng magdamag ang iyong luha
Maglaho man ang iyong pintig sa lumikha
Ihahatid hanggang langit ng musika at ako

Minsa'y nalaman kong ako’y nag-iisa
Kadalasan pala tayo’y kani kaniya
At ang haligi ng tindig ko’y mahuna
Tulad ng sa’yo, masdan mo

Sadyang busilak ang liwanag sa dilim
Bawat dapit hapon may bukas na angkin
Wari'y hamog at bahagharing may pangako at lihim

(ulitin ang koro)


Composer:
Dr. Joel Navarro

Original Version Singer:
Nonoy Zuñiga

P.S.
May isang linya pong binago ang Fiat Serviam Choir sa kantang ito para po maitema sa kantang pangsimbahan.
Pero ito po ang orihinal na bersyon ng kantang ito. :)
I-click dito para makita. 

Read more...

Sa Hapag ng Panginoon lyrics

Thursday, August 30, 2012

SA HAPAG NG PANGINOON

Koro:
Sa hapag ng Panginoon
Buong bayan ngayo’y nagtitipon
Upang pagsaluhan ang kaligtasan
Handog ng Diyos sa tanan

I
Sa panahong tigang ang lupa
Sa panahong ang ani’y sagana
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan
Sa panahon ng kapayapaan

II
Ang mga dakila’t dukha
Ang banal at makasalanan
Ang bulag at lumpo
Ang api at sugatan,
Ang lahat ay inaanyayahan

III
Sa’ming pagdadalamhati
Sa’ming pagbibigay puri
Ano pa mang pagtangis, hapo’t pasakit
Ang Pangalan Nya’y sinasambit

Read more...

Christmas Carol Song Fave 2011

Saturday, December 24, 2011

This 2011 caroling, our favorite Christmas song is Pasko sa Pinas by Yeng Constantino.


Though they didn't actually tell me that it was also their favorite, I can feel it. 'Cause when we're doing our caroling, when it comes to this song, or when we're singing this song, all of us were dancing, following the beat of this song.  We just feel the lyrics of this song!
I heart this!

"Ibang iba talaga *tambol*
Ang Pasko sa Pinas!"

Read more...

Payapang Daigdig Lyrics

Thursday, December 15, 2011

Payapang Daigdig

Ang gabi’y payapa
Lahat ay tahimik
Pati mga tala
Sa bughaw na langit

Kay hinhin ng hangin
Waring umiibig
Sa kapayapaan
Ng buong daigdig

Payapang panahon
Ay diwa ng buhay
Biyaya ng Diyos
Sa sangkatauhan

Read more...

Angels We Have Heard On High Lyrics

Angels We Have Heard On High Lyrics

Angels we have on heard high
Sweetly singing o’re the plains
And the mountains in reply
Echoing their joyous strains

Gloria in excelsis Deo
Gloria in excelsis Deo


Shepherds, why this jubilee?
Why your joyous strains prolong?
What the gladsome tidings be
Which inspire your heavenly song?




Gloria in excelsis Deo
Gloria in excelsis Deo

Come to Bethlehem and see
Christ whose birth the angels sing
Come adore on bended knee
Christ the Lord the newborn King

Gloria in excelsis Deo
Gloria in excelsis Deo

Read more...

Lord I Offer Lyrics

Wednesday, June 29, 2011

LORD, I OFFER


(Verse 1)
All that I am, all that I have
I lay them down before you, oh Lord
All my regrets, all my acclaims
The joy and the pain, I'm making them yours

(Chorus)
Lord, I offer my life to you
Everything I've been through
Use it for your glory
Lord I offer my days to you
Lifting my praise to you
As a pleasing sacrifice
Lord I offer you my life

(Verse 2)
Things in the past, things yet unseen
Wishes and dreams that are yet to come true
All of my hopes, all of my plans
My heart and my hands are lifted to you

REPEAT CHORUS

(Bridge)
What can we give
That you have not given?
And what do we have
That is not already yours?
All we possess
Are these lives we're living
That's what we give to you, Lord

REPEAT CHORUS

Read more...

Sa Krus Lyrics

SA KRUS

I
Sa krus mo at pagkabuhay
Kami’y natubos mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas mo kaming tanan
Ngayon at magpakailanman

Read more...

Messiah Lyrics

MESSIAH

I
Ikaw ang aking Ama
Nais kong mag-alay sa’Yo
Mula sa aking puso
Ang gamit na pasalamat ko

Koro:
Ikaw ang Messiah
Ikaw ang anak
Ikaw ang hari ng lahat
Ikaw ang messiah tagapagligtas
Panginoon ka ng lahat.

II
Ito ang pag-ibig ko
Para sa’Yo hindi magbabago
Kaya’t tong damdamin ko
Nalalapit parati sa’yo

Read more...

Aleluya lyrics (Gawing Daan)

ALELUYA

I
Aleluya, aleluya
Kami ay gawin mong daan
Ng iyong pag-ibig, kapayapaan
At katarungan aleluya

Read more...

Buksan ang aming puso lyrics

Saturday, March 26, 2011

BUKSAN ANG AMING PUSO

I
Buksan ang aming puso
Turuan mong mag-alab
Sa bawat  pagkukuro
Lahat ay magkayakap

KORO:
Buksan ang aming isip
Sikatan ng liwanag
Nang kusang matangkilik
Tungkulin mabanaag

Buksan ang aming palad
Sarili’y maialay
Tulungan mong ihanap
Kami ng bagong malay 

Read more...

Minsan lyrics

MINSAN

Minsan lamang ako’y daraan
Sa daigdig na ito
Kaya anuman ang mabuting
O anumang kabutihan
Ang maari kong ipadama
Itulot ninyo magawa ko ngayon
Ang mga bagay na ito

KORO:
Nawa’y ‘wag ko itong ipagpaliban
O ipagwalang bahala
Sapagkat di na ‘ko muling daraan
Sa ganitong mga landas

Read more...

Mapapalad lyrics

Saturday, January 29, 2011

MAPAPALAD
(Pangkomunyon na awit)

I
Mapapalad ang umiibig sa buhay na aba
Sila’y makakasama sa langit ng ama

Koro
Hesus ako’y di dapat sayo ay tumatanggap
Ngunit sa salita mo ay gagaling na ako

II
Mapapalad ang nahahapis ang Diyos ang syang aliw
Liwanag at ligaya ang syang makakamtam

III
Mapapalad ang maawain sa taong dalita
Sila’y kaaawaan at tutulungan nya.

Read more...

Mapapalad lyrics

MAPAPALAD
(Pangwakas na awit)

I
Mapapalad kayong mahihirap
Ang kaharian ng Diyos sa inyo
Mapapalad kayong nagugutom
Sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis
Sapagkat aaliwin kayo
Mapapalad Panginoon ang mga katulad mo

II
Mapapalad kayong maawain
Kaaawaan kayo ng Diyos
Mapapalad kayong tumatangis
Sapagkat liligaya kayo
Mapapalad kayong inuusig
Maghahari ang Diyos sa inyo

Mapapalad Panginoon ang mga katulad mo (2x)

Read more...

Let there be peace on earth lyrics

Monday, December 20, 2010

LET THERE BE PEACE ON EARTH

Let there be peace on earth
and let it begin with me
 Let There Be Peace on Earth
 The peace that was meant to be

With God as our Father
 Brothers all are we
 Let me walk with my brother
 In perfect harmony.

Let peace begin with me 
Let this be the moment now.
With ev'ry step I take
Let this be my solemn vow
To take each moment and live
Each moment in peace eternally
Let there be peace on earth
and let it begin with me

Read more...

Liwanag ng Pag-asa lyrics

LIWANAG NG PAG-ASA

I
Ang pag-asa ay aming natanaw
Sa pagsilang ng poong mahal
Ang mga bituin ay nagniningning
Nagdiriwang sa kanyang pagdating

II
Ang tala’y nagsilbing tanglaw
Sa sanggol doon sa sabsaban
Ang mga anghel ay nag-awitan
Nagpupuri sa kaitaasan

II
Dalangin ko sa araw na ito
Ay matanaw ang pag-ibig mo
Kapayapaan ay aming matamo
Maging langit itong aming mundo (2x)

Read more...

Bituing Natatangi lyrics

BITUING NATATANGI

I
Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang gabing kay dilim
Sa langit sumilay ang isang bituin, liwanag nito’y kay ningning
Nagbigay ng tanglaw sa bawat nilalang
Ang anak ng Diyos ay sumilang

II
Doon sa bayan ng Bethlehem, may isang talang nagningning
Higit sa liwanag ng mga bituin sa langit ay mapapansin

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pagsilang ni Kristo’y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ng manunubos

III
Doon sa bayan ng Bethlehem, isang sanggol ang dumating
Higit sa liwanag ng mga bituin minsan ay ‘di napapansin

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pag-asa ng tao'y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pagdating ni Kristo Hesus!

*O bituing natatangi, sa ‘yong liwanag
Pag-ibig ni Kristo’y iyong inihahayag
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos!
Sa pag-ibig ni Kristo Hesus!

Read more...

Halina, Hesus lyrics

HALINA, HESUS

Halina, Hesus, halina
Halina, Hesus, halina!

Sa simula isinaloob Mo, 
O D’yos, kaligtasan ng tao 
Sa takdang panahon ay tinawag Mo 
Isang bayang lingkod sa Iyo.

Gabay ng Iyong bayang hinirang
Ang pag-asa sa Iyong Mesiya.
“Emmanuel” ang pangalang bigay sa Kanya:
“Nasa atin ang D’yos tuwina.”

Isinilang S’ya ni Maria,
Birheng tangi, Hiyas ng Judea 
At “Hesus” ang pangalang bigay sa Kanya:
“Aming D’yos ay Tagapagadya.”

Darating muli sa takdang araw, 
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na di mamaliw.

Read more...

Awit ng Paghahangad lyrics

AWIT NG PAGHAHANGAD

I
O Diyos, ikaw ang laging hanap
Loob ko'y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tiga na lupa
Sa tubig ng 'yong pag-aaruga

II
Ika'y pag-mamasdan sa dakong banal
Ng makita ko ang Iyong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
At may galak na aawit ng papuring iaalay

Koro:
Gunita ko'y ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tinig mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Uma-awit akong buong galak

Aking kaluluwa’y kumakapit sayo
Kaligtasa’y tiyak kung hawak mo ako
Magdiriwang ang Hari, ang Diyos syang Dahilan
Ang sa iyo ay nangako
Galak yaong makakamtan

Read more...

kampana lyrics

Sunday, December 19, 2010

KAMPANA NG SIMBAHAN

Kampana ng simbahan ay nanggigising na
At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Gumising at magbangon tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan


KORO:
Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa

Read more...

Unang ALay lyrics

Tuesday, November 30, 2010

UNANG ALAY

          Koro:
Kunin at tanggapin ang alay na ito
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo’y nananalig, nag-mamahal sa ‘Yo

I
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
pagkaing nagbibigay ng buhay Mo;
Alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas,
inuming nagbibigay lakas.
          
II 
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
lahat ng lakas at kahina-an ko
inaalay kong lahat buong pag-katao
ito ay isusunod sa ‘Yo
          
 Koro:
Kunin at tanggapin ang alay na ito
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo'y nananalig, umaasa, dumudulog, sumasamba, umaawit, nagmamahal,
… sa ‘Yo.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave COMMENT here!

About This Blog

Fiat Serviam Choir is a group of people who serve God by singing praises to Him.
And this blog is made to share the daily happenings of us, the activites, and schedules. And also, this blog includes some lyrics I didn't find over the internet thinking it would help others.

Please feel free to explore this blog, and you can suggest some lyrics that I may include here.

And Hit like button. :)

GOD bless us all!

Back to TOP