Unang ALay lyrics
Tuesday, November 30, 2010
UNANG ALAY
Koro:
Kunin at tanggapin ang alay na ito
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo’y nananalig, nag-mamahal sa ‘Yo
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
pagkaing nagbibigay ng buhay Mo;
Alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas,
inuming nagbibigay lakas.
II
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
lahat ng lakas at kahina-an ko
inaalay kong lahat buong pag-katao
ito ay isusunod sa ‘Yo
Kunin at tanggapin ang alay na ito
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo
Tanda ng bawat pusong ‘pagkat inibig Mo
Ngayo'y nananalig, umaasa, dumudulog, sumasamba, umaawit, nagmamahal,
… sa ‘Yo.
Read more...