Hanggang Langit lyrics

Sunday, September 2, 2012

HANGGANG LANGIT

Naging hangarin ko ang minsa’y marinig
Kahit sabihin pang bingi ang daigdig
Wala na nga bang dahilan kung bakit ba
Mayroong tinig, abot langit

Puti’t itim pala ang kulay ng mundo
Pikit mata pa rin ang lakad ng tao
Nagbabakasakaling marating niya’y paraiso

Koro:
Dinggin mo ang aking himig
At yakapin mo ng palad at bisig mahigpit
 Singwagas nitong awit  Ibabangon ka
Abutin man ng magdamag ang iyong luha
Maglaho man ang iyong pintig sa lumikha
Ihahatid hanggang langit ng musika at ako

Minsa'y nalaman kong ako’y nag-iisa
Kadalasan pala tayo’y kani kaniya
At ang haligi ng tindig ko’y mahuna
Tulad ng sa’yo, masdan mo

Sadyang busilak ang liwanag sa dilim
Bawat dapit hapon may bukas na angkin
Wari'y hamog at bahagharing may pangako at lihim

(ulitin ang koro)


Composer:
Dr. Joel Navarro

Original Version Singer:
Nonoy Zuñiga

P.S.
May isang linya pong binago ang Fiat Serviam Choir sa kantang ito para po maitema sa kantang pangsimbahan.
Pero ito po ang orihinal na bersyon ng kantang ito. :)
I-click dito para makita. 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Leave COMMENT here!

About This Blog

Fiat Serviam Choir is a group of people who serve God by singing praises to Him.
And this blog is made to share the daily happenings of us, the activites, and schedules. And also, this blog includes some lyrics I didn't find over the internet thinking it would help others.

Please feel free to explore this blog, and you can suggest some lyrics that I may include here.

And Hit like button. :)

GOD bless us all!

Back to TOP